Monday, November 04, 2013

run run run

Hanep no. In fairness uso pa din ang mga fun run ngayon. Akala ko ay pang-isang taon lang ang fad na ito at lilipas din. Pero it is here to stay for good.

Which is not bad at all. Actually gusto ko nga sumali sa mga ganyan kahit one time lang. Ang kaso umiiral na naman ang katamaran ko. Isasangkalan ko na naman ang pagiging call center agent ko. 

Pero meron akong mga ka-opisina na career mode sa mga ganito kaya. Hindi ko nga alam kung paano nila ito ginagawa. Mukha naman tumatakbo naman sila for real at hindi sumasali lang para sa photo op for instagram or facebook. I don't know how they do it. Time management maybe?

One of these days I swear I would join those peeps. I don't do exercise na nga so siguro to join those kinds of event twice a year would be enough. Oh di ba bonggang papawis ever pagnagkataon.

Pero siguro bili muna ko ng maganda shu-es pangtakbo. 


No comments: