Sa
araw ikamamatay ko na 'ata ang tindi ng tag-init; sa gabi naman ay
ang sobrang lamig ng centralized aircon sa opisina. Halinhinan itong
nagpaparupok na sa aking katawan mula Lunes hanggang Biyernes.
Weathering.
At
mas titindi pa daw ang taas ng temperatura sa mga darating na araw.
Akala ko ba wet summer? Marso lang nag-uulan eh. 'Pag nakikita ko nga
tvc ni Xian Lim ng McFloat kung saan ay kinakanta ang “I'm walking
on sunshine wooh oh hoo...” gusto ko na siya sapakin sa personal.
Anong “and don't you feel good?”. Tsk. Kung hindi ko lang siya
crush eh.
Sana
nga umulan na. O kung kalabisan man ang kahilingan na 'to para sa mga
may summer outing ay sana naman kumilimlim man lang sa katanghalian.
Sa
office naman tagos sa jacket ang lamig. Minsan naninigas na mga
daliri ko at nananakit pa likuran ko. Ultimo bunbunan. 'Yung iba nga
hindi na maiwasang mangatal sa calls. Hindi na sapat ang mga kapeng
madaling lumamig. Gusto mo nang humigop ng sabaw. 'Yung halos bagong
kulo lang kung pwede.
Ganito
ako. Madali akog mainitan. Madali din akong ginawin. Sala sa init,
sala sa lamig. Bakit hindi ba pwedeng sapat lang?
Isa
lang ang eksenang pinaglalaruan ko sa isip sa mga pagkakataong
sobrang nabwiwisit na ako sa init o na-dedepress sa lamig: Kampanteng
nasa lilim lang ako ng puno malapit sa baybayin at may librong
pinagkaka-abalahan.
I
need a vacation. Badly.
No comments:
Post a Comment