Sa
madaling araw lang kaya ako nakakapag- Youtube. 'Eto naman kasing Sun
Broadband sa mga ganong oras lang mabilis at halos hindi mo na
magamit sa araw. Ironic. Buti na nga lang yung promo nilang unlimited
for three days eh unlimited talaga. Hindi katulad sa Globe, yung una
kong stick na nabilli, pagnaka- 800MB ay sorry stop ka muna. Isang
taon ko kayang pinagtyigaan yun at hindi ko man lang nakuha yung
Globe Points ko dun. Tanga lang.
Last
week nanuod na naman ako ng mga videos tungkol sa Mac OS. Siyempre
pangarap kong magkaroon ng Mac. Ewan. Feel ko lang. Feeling mayaman
that is ha ha. Pero wala akong balak pag-ipunan ang isang MacBook Air kasi
overpriced kaya siya sa isang dukhang katulad ko na gumagamit lang ng
laptop para magsurf sa net at maglaro ng mga apps na pambata (I'm not
a gamer.) 'Pag can afford na ako bumili nun ibig sabihin milyonaryo na
ko. Sa kasalukuyan masaya na ako sa sa Acer ko na 'to kasi
touch-screen na at may dvd writer pa (old school, para sa mga
nahihiram kong dvds ha ha). At hindi tulad ng iba, I am loving
Windows 8.1. From Windows XP ba naman sino hindi matutuwa 'di ba. Ang
bilis! Effort nga lang sa umpisa na pag-aralan lalo na yung unang
labas na version. Kalerkey. Buti na lang touch-screen nga ito dahil
mawiwindang din ako pag-track pad lang ang gamit.
So
ayun nga I had this laptop mag-iisang taon na. Ang lagi kong ginagawa
kung magra-right click eh pindutin/diinan 'tong kanang babang bahagi
ng touchpad. Eh para dun naman talaga yun 'di ba. Sa instructional
youtube vid na napanood ko, sa mga Macs daw ang right click ay
pwedeng gawin sa pagtap sa trackpad ng dalawang daliri sabay.
Sinubukan kong gawin sa akin aba ay gumana. Biruin mo all this time
ay hindi ko alam gamitin ng maayos itong laptop ko. Kamote. Well,
sinilip ko ang users manual habang sinusulat ito at wala naman pala
talagang nabanggit ukol dito. Not entirely my fault. So ayan tap galore with two fingers ako since then.
Wala
akong anti-virus program hanggang ngayon. Pinagpaubaya ko na lang sa
Windows Defender. Sa luma kong laptop, na-try ko pareho ang Avast and
Avira. Parehas lang naman. Parehas lang may nakakalusot na malware.
Mahusay din ang Malwarebytes. Hindi na nga lang talaga ako
nag-install ng kung anu-ano baka kasi magcrash lang. Nagpapabagal pa.
Siguro infected na 'tong laptop. I wouldn't know. Sana hindi. Bukod
sa mga apps sa Windows Store eh wala na naman akong dinadownload na
programs. Ewan ko na lang sa mga hihiram kong usbs.
Sa
youtube video na nabanggit ko, natutunan ko din ang isang
extension na mahusay: disconnet me. What it does is that it would
disconnect those sites who are known to track users for whatever
intensions, usually for ad purposes. Sana available din na yun sa
Internet Explorer. Yes I use IE from time to time dahil well wala
lang. Maiba lang ng interface. I use the modern version para full
screen siya. And good this there's this app called Read it Better
para i-save yung mga articles for later reading.. Yung Microsoft
own's Reading List kasi hindi mo mababasa ang mga saved pages
offline.
Ang
next phone ko sana isa sa mga Lumia models. 'La lang love ko na ang Windows
eh. Sana i-manage lang nila ng todo an kanilang app store hindi
katulad sa Google Play na ang dami-dami ngang apps karamihan wala
namang kwenta. Iba't ibang versions lang ng same shit. Buhay pa naman
'tong Galaxy Y ko at matatapos na contract ko sa Globe. Nauna na pala
si jowa magrenew, Galaxy S5 ang kinuha. Sosyal kasi yun eh. Sana
gumana pa yung ipapamana nyang S3 sa mama nya. Nalubog kasi nung
nagseselfie sa jacuzzi. As for me ipapamana ko din itong Galaxy Y ko
kay mudra. Nakuha ko itong i-root so baka hindi ko na ibalik sa dati
ma-brick ko pa.
No comments:
Post a Comment