That moro-moro which
was the Senate hearing with Janet Napoles on it only became
interesting when it was Sen. Miriam Santiago's turn to ask the
questions. That lady never ceases to amaze me with her wit, humor and
of course wisdom of the law. At one point I actually thought she have
broken Napoles successfully and would draw confessions out of her.
Janet's conviction and resilience to keep mum won though. On the other hand there still that
glimmer of hope that perhaps she would find the senator's
argument reasonable and would come out clean someday soon. Wishful thinking I know.
Ang atensyon ng media
ay nakapokus sa kanya pero alam din ng karamihan na ang
kinasasangkutan niyang eskandalo ay maliit na parte lamang ng talamak
na korupsyon sa gobyerno. Mula sa pinakamataas na opisyal hanggang sa
baranggay lebel ay nakakapanindig kalamnan ang pagnanakaw na ginagawa
sa kaban ng bayan. Nakakalungkot dahil hindi maitatanggi na bahagi na
ito ng kasalukuyang kultura ng bansa na para bang lahat ng mamamayan
ay tanggap na ang katotohanan na lahat ng nasa pwesto ay
mandarambong.
Paano tayo makakalaya
sa ganitong pag-iisip? Tumanda na ako lahat-lahat ay ganito pa din
ang sistema. Nakakasawa. Simula nang ako'y magtrabaho mahigit isang
dekada na ang nakakaraan ay walang puknat ang pagkaltas ng witholding
tax kada sweldo idagdag pa ang VAT sa lahat ng mga serbisyo at
produktong binibili. Para ano, para nakawin lang ng iilan?
Ang sentimyento ko ay
hinaing din ng karamihan. Ayoko ko na sana isulat ito pero
nakakarindi na.
No comments:
Post a Comment