Tuesday, April 24, 2012

mind tricks


Isa sa mga natatandaan kong mga bagay sa aklat na “Conversation With God” na nabasa ko nung haiskul ay pag-iwas sa pagbanggit ng mga katagang “i want __” (i.e I want money). Dahil ang salitang want ay nangangahulugang ikaw ay sadyang nagkukulang (want + ing = wanting of). Nararapat lamang na positibo ka at hindi nag-aatract ng kung ano mang mga negatibong enerhiya.

Isa naman sa mga tip ng mga naghihikayat mag-impok ay ang gabay na “Pay yourself first”. Ibig sabihin magtatabi ka muna sa bahagi ng iyong sahod na kabarayan mo para sa sarili mo sa anyo ng savings bago mo pa man ilaan ito sa mga gastusin mo sa buhay.

Sa isang banda, maganda naman ang dalawang payong naturing. Walang masama kung susundin ang mga ito at positibo pa nga ang epekto.. Ang siste likas na pilosopo ako at hindi basta-basta magpapadala sa mga ideya kung hindi man lang ito bubusisiin ng aking pag-iisip.

'Pag sinabi kong halimbawa na “I want money (tons of money tee hee)”, hindi maipagkakaila na I am wanting of money. Fact 'yun na hindi kailangang ikaila. Kelangan eh.

And how would I pay myself first kung ang sinasahod ko nga ay kulang pa sa mga expenses ko? Tipid mode na ako nyan ha. Kung titikisin ko naman ng todo ang sarili ko, ano namang silbi ng naipon ko kung let say magugunaw na nga ang mundo sa December 12 at hindi man lang ako nag-enjoy kahit papaano?

Siguro kelangan ko pang maghanap ng mga praktikal na mga ideya na sadyang magiging gabay ko sa buhay. Mahirap denggoyin ang taong may critical thinking.

Naks.

No comments: