Tuesday, May 29, 2012

belated happy birthday to me

It has a been a while I know.

I have not written anything for I tried to be busy with something else. To be honest all I have been busy with was being depressed and all.

But today I am okay now. A bit.

You know what I realized within the past weeks or so? I have come to the conclusion that I do not really love myself. That is the root cause of all of these unwanted feeling of emptiness and loneliness. Up until now, I have not loved myself completely.

Which is why even though I know my partner loves me dearly, somehow I do not feel it completely. How can trust someone would love me wholeheartedly if I don't even love myself?

I guess the challenge for me then is to accept myself for who I am. For what I have. For what I am capable of.

The role has been given to me but I have not accepted my part still. All this time I still pretend to be someone else. The person whom I wanted to be still remain in my daydreams.

How can I get out of this mess? There are plenty of ways. I guess I have to start a new.

May is almost over. Yes I am officialy two and thirty years of age. It is yet high time for me to re-invent myself. Or rather, to be the best person I can possibly be.


---from my journal


Thursday, April 26, 2012

kaimito


Halos ilang taon na, dekada na yata ng huli akong kumain ng prutas na ito. Pakwan ang pinabibili ko kay mama pero kaimito ang binili.

Nakakatuwa. Alam kong nakabaon sa limot ang lasa nito pero habang nilalasap ko ang isa, bumalik ang mga sandali ng aking pagkamusmos na lumalantak ng madagtang prutas.. Kinalakihan ko kasing may dalawang puno kami ng kaimito at pagkaganitong mga buwan ito namumunga.

Isa lang ang kaya ko at ng mg kalaro ko na akyatin na puno, yun medyo mababa at nakahilig na. Mabubuwal sana siguro yun ng bagyo kaya ganun pero nagkamalay ako na ganun na siya. Yun isang puno naman ay mataas at mga matatanda lang ang kayang umakyat.

Habang kumakain pa ako ng isa, nagbalik-tanaw kami sa nakaraan ni mama.
Kwentuhan sa mga bagay-bagay na kaya naming tandaan tungkol sa dalawang puno. Alam ko nakatayo pa din ang mga ito nang una akong makagat ng aso. Habang nakatakbo ang ibang mga iba at ang pinsan ko ay nakaakyat naman, ako ay naging tuod at naiwan sa gitna at tuloy nakagat sa pwet.

Hindi naglaon pinutol din ang dalawang punong yun. Nakakapanghinayang dahil matatamis pa naman ang mga bunga nito. Kinailangan kasi magtayo pa ng bahay sa likuran para mapaupahan.

At nang maubos ko na ang nilalantakan ko, biglang sumagi san isipian ko ang pantasya ng ako ay bata pa. May mga hapon kasi na tinitingala ko nun ang matayog na puno at sa isip ay makailang beses ko itong naakyat hanggang sa
tuktok. Pakiwari ko nun matatanaw ko ang lahat ng kamaynilaan. Duon lang ako hanggang sa tawagin na ako ni mama at magkakagulo na ang mga tao kung paano ako pabababain. Tatanawin ko lamang sila sa ibaba at pagpalubog na ang araw, saka ako magpapatihulog.

Wednesday, April 25, 2012

ang tv


May sumpong na namn tv namin at ayaw sumindi. Mabuti na lamang at may series akong kinahuhumalingan at dito sa de-uling kong laptop ito pinapanood.

Kung marami sana akong pera matagal na akong bumili ng LED tv. Syempre dapat de-cable pa dapat. Malamang bonggang couch potato ang peg ko 'pag nagkataon.

Ilang taon na din kaya itong TCL na tv namin. Minsan na din itong nakaranas ng kalikot ng isang repair man. Sana gumana na siya mamya kasi kawawa naman si mudra at naiiwan sa gabi na fm radio lang ang kasama. Hindi na niya masusubaybayan ang mga inaabangan niya sa prime time bida.

Natatandaan ko pa na ang tv na kinalakihan ko ay black and white na de-cabinet pa. Radiowealth pa tatak nun. Ako nga nakasira pihitan nun kaya de-plais ang paglipat ng channel. Nang mapudpod na ang iniipit na pihitan ng plais, napako sa channel 13 ang tv. Hindi ko alam kung sadyang pinili ba yun o dahil yun lang ang malinaw na signal sa amin.
May mga ilang taon din sa buhay ko na wala kaming tv talaga. Halos ata dalawang taon sa haiskul na wala kaming tv kaya madalas hindi ko masakyan ang mga pinagkwekwentuhan ng mga kaklase ko tungkol sa mga pinapanood nila. Looking back now it was like you were part of a history that you were unaware of.

Mabuti pa ata sa India halos lahat ng squatter may tv. Kelan kaya ako makakabili ng bago?