Monday, April 23, 2012

me taking the wheel


Ang buhay nga sabi nila ay parang gulong. Hindi dahil minsan nasa taas ka o minsan nasa baba. Given na 'yun. Paikot-ikot lang.

Ito ay dahil ang gulong ng sasakyan minsan ay may nasasagasaang tae at minsan ay wala.

Working week na naman mam'ya at gagawin ko na naman ang papel ko bilang isang call center agent. Same routine, same old stuff. At sana walang shit tulad ng bagsak na QA o bagsak na survery sa caller.

Tingnan mo 'yan. Matatapos na naman pala ang buwan. Wala na naman akong nagawang achievement sa buhay ko. Bilib nga ako sa iba na marunong magset ng goals sa buhay at gagawin ang lahat para maisakatuparan 'yun. Ako? Magaling lang ako mangarap.

Hindi naman ako bobo pero gusto ko sana mas matalino pa ako. Pero ang siste wala kasi akong diskarte.

Hindi ako risk taker and at ease ako na may routine.. Parang gulong na patuloy sa pag-inog sa paglalakbay. Go lang ng go kahit may ebs na.

Sunday, April 22, 2012

fire and ice


Sa araw ikamamatay ko na 'ata ang tindi ng tag-init; sa gabi naman ay ang sobrang lamig ng centralized aircon sa opisina. Halinhinan itong nagpaparupok na sa aking katawan mula Lunes hanggang Biyernes. Weathering.

At mas titindi pa daw ang taas ng temperatura sa mga darating na araw. Akala ko ba wet summer? Marso lang nag-uulan eh. 'Pag nakikita ko nga tvc ni Xian Lim ng McFloat kung saan ay kinakanta ang “I'm walking on sunshine wooh oh hoo...” gusto ko na siya sapakin sa personal. Anong “and don't you feel good?”. Tsk. Kung hindi ko lang siya crush eh.

Sana nga umulan na. O kung kalabisan man ang kahilingan na 'to para sa mga may summer outing ay sana naman kumilimlim man lang sa katanghalian.

Sa office naman tagos sa jacket ang lamig. Minsan naninigas na mga daliri ko at nananakit pa likuran ko. Ultimo bunbunan. 'Yung iba nga hindi na maiwasang mangatal sa calls. Hindi na sapat ang mga kapeng madaling lumamig. Gusto mo nang humigop ng sabaw. 'Yung halos bagong kulo lang kung pwede.

Ganito ako. Madali akog mainitan. Madali din akong ginawin. Sala sa init, sala sa lamig. Bakit hindi ba pwedeng sapat lang?

Isa lang ang eksenang pinaglalaruan ko sa isip sa mga pagkakataong sobrang nabwiwisit na ako sa init o na-dedepress sa lamig: Kampanteng nasa lilim lang ako ng puno malapit sa baybayin at may librong pinagkaka-abalahan.

I need a vacation. Badly.

Sunday, February 12, 2012

n-sync

I just got my new mobile. It somehow managed to synchronized the pictures I posted in here. I would like to maintain my anonymity so I have deleted the entries I managed to post so far.

I don't think its the right time for those people I know to read what's really on my mind.